Ang aklat na ito ay isang pagtatangkang pagsusuri sa kalakaran o signal na nagaganap sa wikang Filipino. Inilahad at dinalumat ang mga kaso ng kunwari/kunyari at siya na tahasang maituturing na isa lamang sa mga kalakaran at signal sa gramatikang Filipino sa kasalukuyan. Sa usaping ito, nararapat at panahon na siguro upang bigyan ng seryosong pansin ang mga nabanggit sa pagbubuo ng makabagong gramatikang Filipino. Datapwat, hindi naman ninanais ng mananaliksik na ilagay ang mga kasong nabanggit sa tuntuning gramatika sa kasalukuyan. Ito ay higit na nangangailangan pa ng mahaba-habang panahon upang ito’y dalumatin, sipatin, at limiing mabuti sa pagbubuo ng ating gramatika. Ngunit ang lahat ng malaki ay nagsisimula sa maliit at ang maliliit na hakbang ay may patutunguhan pa rin.
Book Details: |
|
ISBN-13: |
978-613-8-24227-7 |
ISBN-10: |
6138242270 |
EAN: |
9786138242277 |
Book language: |
Filipino |
By (author) : |
Maria Fe Hicana |
Number of pages: |
56 |
Published on: |
04.06.2018 |
Category: |
Letters, Rhetoric |